top of page

Magnet

  • Abbyloonie
  • Mar 24, 2016
  • 2 min read

Hindi ko alam kung paano magsisimula

O kung paano tatapusin ang tula.

Sa aking isip ay may pagtataka

Kung sa pag-agos ng buhay ay sumusunod nga lang ba?

O baka naman sariling pagnanais na ang siyang nangunguna

Dapat pa nga ba akong matuwa?

Kung ang puso't katawan ko'y nasasaktan at sumuko na?

Ano pa nga ba ang magagawa?

Sa pusong tila gusto kumawala

Kumawala sa pagnanais na malapitan at mahagkan ka.

Hindi ko man ibig, ibigin ka

ngunit bakit ito ang nadarama?

Pigilan ko man ay di ko magawa.

Sa kanya na hindi man lang ako maalala,

Abala sa pag iisip sa iba.

Ako'y libangan lamang niya

Ngunit sa kabilang banda,

Ako'y masaya pa rin sa piling niya

Ako ang sumulat ng tulang ito,

ngunit bakit mukhang ako pa ang harang sa storya nyo?

Ako ang sumulat

at hawak ko ang lahat

Bakit sa pag ibig mo ay salat na salat?

Pag ibig ko sayo'y pakiusap bigyan mo na alat.

Ano bang problema?

Bakit sayo ay lalapit-lapit pa?

Sige pa rin kahit nasasaktan na.

Ano bang meron ka?

Nabubuo ng mga katanungan ang aking tula

Mga kasagutan tila nawawala

paano masasagot ang katanungan,

kung ang problema'y hindi kaya solusyanan?

O kaya'y ayaw gawan ng paraan?

Sarili'y hindi maintindihan

Sayo ay nais kong lumayo

pero hindi maiwasang lumapit sayo

Bakit sa tuwing nalalapit ang oras ng paghihiwalay

Ako sayo'y ayaw mawalay

na handang maging pilay

at ang lahat ng oras handang sayo ay ialay.

Magkaiba ang ating mundo,

ngunit bakit sayo ay lumalapit pa rin ako?

Hindi ko mawari kung bakit ganito

Pakiramdam ko mayroon lamang humihila palapit sayo.

Ano ang bagay na ito?

Nagugulumihanan na ang isip at puso...

Kung ito ba ay ligaya lang na nadarama ng puso

O ang pagmamahal ko sa iyo?

Mahal na nga ba kita?

Sa aking isip ay nakapagpapaligaya

Aking puso ay sumasaya

laging sayo ay nag aalala

katawan ay laging nais makasama ka.

Sa akin ay sabihin tama ba?

Ikaw ay aking minamahal na?

Tula ko'y ayaw wakasan

hindi ko alam kung hanggang saan

Kung dapat bang may patunguhan?

Patawad aking kaibigan

kung ang nais ko ay ka-ibigan

Pagsasama ay manatili sa isipan

Pangako ito magpakailanman.

Ito ang tulang ginawa ko

na hindi na kailangang malaman mo!

Hindi ko kailangan ng simpatya mula sayo

masaya na akong nailabas ang saloobin nitong puso.


 
 
 

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page