top of page

Nais kong malaman mo...

  • Abbyloonie
  • Feb 15, 2016
  • 1 min read

Akala ko okay na ako,

akala ko okay lang sakin,

akala ko wala na lang sakin.

Kasi akala ko natanggap ko na,

akala ko kaya ko na,

Kaya pala ako nasasaktan

kasi lahat ng akala ko

hindi pa pala.

Hindi pa pala ako okay,

hindi ko pa pala kaya,

hindi pa pala okay sakin,

hindi pala 'wala lang yun'.

Kasi hindi ko pa pala tanggap.

Ayaw kong makita,

ayaw kong marinig,

ayaw kong malaman na may iba ka na.

Dahil nahihirapan akong tanggapin,

na kapag nagseselos ako,

minamahal kita ulit.

Kaya pakiusap kung may iba ka na,

wag mong hahayaang makita,

marinig at malaman ko.

Kahit yun na lang!

Bilang may pinagsamahan rin naman tayo,

isipin mo rin sana yung mararamdaman ko

maging sensitive ka naman.

Kung tapos ka na.

Gusto kong malaman mong nasa proseso pa rin ako.

Ako ang naiwan,

kaya sana wag mong isipin

na nakahabol na ako sayo

kasi ito pa rin ako naiwan mo.


 
 
 

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page